Friday, October 20, 2017
Bakit Tila Napakabilis Naman Ata?
Katanungan na laging hinahanapan ng kongkretong sagot. Bakit nga ba napakabilis? Tila hindi natin namamalayan na unti unti na pala nawala yung binuo mong tiwala, unti unting sinira ng mga taong akala mo nandyan sa oras na mahina ka. Hindi natin namalayan na naiwan na pala tayo ng panahon, ikaw nalang pala ang naiwan sa ere, walang gustong sumundo sayo dahil masyado na silang malayo para maabot ka pa.
Napakabilis ano? Di mo namalayan lahat kaya ngayon nangangapa ka padin pero hayaan mo masasanay ka rin. Wala namang permanente diba? Sa bawat yugto ay may pagbabagong hindi maiiwasan. Kung sa una’y napakasaya at akala natin kontento na tayo, pero sa paglipas pala dun natin malalaman ang tunay na halaga. Minsan pa nga’y hindi ko naiwasan magtanong saan ba nabibili ang care at value? Meron ba nun sa mercury drug? o baka naman napupulot? Mga katanungan na mismong ikaw alam mo na ang sagot pero ikaw lang tong ayaw aminin sa sarili. Gayun pa man dapat tandaan na ang halaga at pake ay kusang binibigay hindi hinihingi at binili. Di natin kailngan mag plead sa tao.
Sa paglipas ng panahon, napakaraming pagbabagong hindi inaasahan. Na nagiiwan ng bakas ng saya at lungkot. Masasayang sandali na nabuo sa isang di inaasahang pagkakataon na nag iwan na ng marka sa bawat puso’t ala-ala. Kalungkutan na nag iwan ng kirot at hapdi bawat puso. Gayun pa man kailangan nating matutong maging matatag at makasabay sa mga pagbabahong magaganap pa saatin.
~hydrogenxx
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment