Friday, October 20, 2017

Paalam




Una't huli ko na ito, ikaw na rin naman ang nagpasya na lumisan. Ikaw rin naman ang may gusto na piliin ang iyong tinatakahak. Bagama't ikaw ngayon ay nawawala na para bang isang ibong hindi alam kung saan tutungo. Ikaw na ngayon ang nagpapasya ng lahat, diba't isa sa mga dahilan ng iyong paglisan ay ang pagkontra ko sa iyong mga hindi kaaya ayang desisyon?. Kaya naman ngayong wala ng pumipigil sayo humahayo ka't naghahanap ng bagong madadapuan upang punan ang iyong masasamang gawain. 

Una't huli ko na ito, oo napakasakit ngunit kailangan ng kita pakawalan pa, dahil sobrang hirap ng dinudulot ko kung ako kakapit pa. Hindi naman kasi ako ang pinili mo. Kun'di iyong maling tao na akala mo ay tama.Ayoko man iwan ka pero kailangan, dahil hindi na ako yung taong kailngan mo. Dahil siguro tama nga sila may dadating sa buhay ng tao na mananatili at ang iba ay lilisan. Pero masakit lang isipin kasi nasanay na ako na ikaw ang kasa kasama. Pero hayaan mo masasanay din ako na wala ka sa tabi ko. Masasanay ako na hindi na ako iyong kapuyatan. Masasanay din ako na iba na ang hinihintay mo sa dati nating tagpuan. Masasanay din ako hindi man ngayon pero alam kong darating din ang araw na yun.

Una't huli ko na ito, ito na ang pinakamahirap na parte ng buhay. Pero kailangang magpatuloy, laban lang ikaw nga nila. Hindi man ganun kadali pero malalagpasan ko rin ang yugto na ito. Salamat sa lahat. Ito na ang hulingnpagkakataon na magsusulat ako na ang pangalan mo ang kakambal. Huli na ito at sana ikaw ay maging masaya na.


-Hydrogenx

No comments:

Post a Comment