Friday, June 30, 2017

Baka Sakali

Sa ginintuang araw ng kinakalawang na daigdig
Sa malakas na pagtibok ng nanghihinang dibdib
Nadaragdagan ang bigat sa bumitaw nang pag-iisip
At nababawasan ang katotohanan sa bumabangon na panaginip

Sa pag-iyak ng di dumidilat na mga mata
Tinatanong ang kawalan kung nasaan ka
At baka sakaling ika'y masilayang muli
Sa pagitan ng ginhawa at ng hindi natatapos na hapdi

Sa tamis ng mga salita sa bawat tula
Na ginawa, isinulat sa ngalan ng tugma
Aking susubukang hanapin ikaw na nawala
At baka sakaling sa gitna ng mga linya...
ay nandoon ka.


Photo by Rainrose Fernandez 

No comments:

Post a Comment