Thursday, June 29, 2017

Sa Mga Mata

Sa mga mata makikita ang katotohanan
Na kahit anong gawin mo ay mahirap takpan
Malalaman kung ikaw ay nagtatago sa isang kasinungalinagan
At makikita ang katotohanang ikaw ay nasasaktan

Sa mga mata makikita ang iyong kasiyahan
Makikita kung ikaw ay nababalot sa kagalakan
Kasiyahan na dahil sa mga kaibigan
O di kaya ay dahil sa iyong kasintahan

Sa mga mata makikita ang inyong tunay na pagmamahalan
Pagmamahal na hatid ay walang pantay na kasiyahan
Pagmamahal na kahit sino ay hindi kayang tapatan
At pagmamahalan na walang katapusan o hangganan

Sa mga mata makikita ang iyong kalungkutan
Kalungkutan na ikaw lang ang nakakaalam ng dahilan
Kalungkutan na maaaring dahil sa kabiguan
Ngunit alam mo na ito ay iyong malaglagpasan

Sa mga mata din makikita ang tinatagong kasamaan
Na nagdudulot sayo ng mga kamalian
Gusto lamang maghasik ng kasakiman
At magbibigay lang sayo ng kapahamakan

Makikita din sa mata ang tunay na kabutihan
Na alam mong hatid sayo ay purong kabaitan
Kapag siya ang kasama ay may magandang patutunguhan
Kaya’t hindi na kailangan pang mag-alinlangan

Sa mga mata maaaring makita ang tunay na katauhan
Tunay na katauhang hindi mo pwedeng pagtaguan
Tunay na katauhang hindi mo maaring iwasan
At ang mga matang hindi nakakaiwas sa mga kasinungalingan





Photo Credits to: Aileen Dehitta
Thank you Ate Ai :)



No comments:

Post a Comment