Minsan akong ipinagkait sa lahat. Siniil ang pagkakataon na muli akong masilayan ng lahat ng nag mamahal. Ikinulong ako sa isang piitan na hindi naabutan ng sinag ng araw. Walang sinuman ang nag tangka na puntahan ang piitan at ako ay kalagan. Ngunit sa sobrang pag mamahal para sa akin, isang lalaki ang sumalungat sa takot ng lahat. Hayagan niyang ipinahayag na ako'y iniibig niya at nais niyang muling maka piling. Ginamit niya ang pinaka matalinong paraan na hindi gumagamit ng dahas upang muli akong masilayan. Ngnuit sa dulo ay nauwi lamang ito sa madugo at walang hustisya niyang kamatayan. Mula sa paliparan dinig ang putok ng baril na pumatay sa lalaking nag mahal sa akin ng lubos. Kahit napaka kapal ng mga pader ay marinig sa buong bayan ang aking hinagpis. Kasabay ang pag luha ng mga tao walang magawa kundi tingan bangkay ng lalaking iyon. Buong akala ko'y wakas nang maituturin ang kanyang pag panaw. Nagbago ito ng nag kaisa ang tao. Napuno ng libo libong tao ang kalsada ng EDSA na nag kaisa na akoy palayain. Hinarang nila ang mga tangke na ang tanging depensa lamang ay mga rosaryo at rosas. Nag tagumpay sila. Napagbsak nila ang diktadurya na nag kulong sa akin. At sa pag laya ko ang lahat ay nabighani. Lahat ay nag karoon ng mga ngiti sa kanilang labi. Animo'y nakaita sila ng anghel na nilabanan ang impyerno ng piitan. Hindi nag tagal tila ang mga taong ako'y minahal ay sinusuka na ako. Sinisi sa hirap na kanilang dinaranas. Hanggang sa alaala ko nalang maririnig ang matatamis na pag sigaw nila sa pangalan ko. "DEMOKRASYA" sigaw nilang lahat ng mga panahong akoy wala sa piling nila. Napaka sakit lamang na ngayo'y isa na lang ako sa mga dahilan ng kanilang pighati. Mukang kailangan akong muling mawala upang akoy pahalagahan nila. Muli nawa'y may mag piit sa akin. Handa ako muling mag danas ng hirap sa apat na sulok ng piitan upang muling mahalin. At hanggang sa may isang Ninoy ulit na mag bubuwis ng buhay para sa akin. Sa gayong paraan maaring matutunan nila kung paanao ako ibiigan ng tama.
photo url: https://www.google.com.ph/search?safe=strict&biw=1360&bih=662&tbm=isch&sa=1&q=edsa+revolution&oq=edsa+r&gs_l=img.1.0.0i67k1j0j0i67k1j0l7.1430.1762.0.3436.2.2.0.0.0.0.93.168.2.2.0....0...1.1.64.img..0.2.168.6u8oAUe9UeI#imgrc=d9GbbpsIHeNrVM:
No comments:
Post a Comment