Monday, June 26, 2017

Wala nga palang Tayo

Aking bibigkasin
Mga salitang matagal ko ng nais sambitin
Atensyon mo' kukuhanin
Ngunit hinding hindi ka pipilitin

Puso'y patuloy sa pag aalinlangan
Hiling ko sana'y lugar ko sa iyong puso'y aking malaman
Nang sa gayon matigil ang aking kahibangan
Na ang salitang TAYO ay malabo pa sa walang hanggan

Bago ako mag wakas
Ang pag asang maging tayo ay makakalas
Tatanggapin ko ng buong lakas
Pag ibig ko sayo'y maglalaho na bukas

Own Photography

No comments:

Post a Comment