Tuesday, September 12, 2017

Alas Otso treintaycinco


Ang makata sa unang pagkakataon ay kinakapos ng mga letrang ililimbag. Ang mga ideya ay naglayas na animo’y wala ng planong bumalik. Ultimo ang gasera na nagbibigay liwanag ay andap andap na. Mula sa paa umaakyat ang lamig at namumugto ang mata sa antok. Ang diwa ay bumubulong ng paghimlay. Ngnuit sa kailaliman umahon ang nagpupuyos na mga linya na nagpapahiwatig ng tungkulin ng makata sa pagsulat. Kasabay ng pagpatak ng relos sa Alas otso, treintaycinco at nagsimula na rin pumatak ang tinta sa papel ng makata. Pagod man ang pisikal Ngunit ang mga prinsipyo ay nagnanais bumangon. Lahat ng itinatapon na segundo ay sinusulit upang bumuo ng kapanapanabik na piyesa. Para sa makata ang pagtupad sa responsibilidad ay ang tunguhin ng buhay. Kayat kahit sumabak siya sa malayong paglalakabay ang responsibilidad niya sa mambabasa ay di naisasantabi. Palagi niyang nais pukawin ang atensyon ng mambabasa na animoy magnanakaw na may iniwang aral. Kayat kahit pasapit na ang gabi ay nagsusulat pa rin ang kamay na walang kapaguran. Ang pagsusulat ng makata ay hindi maisasantabi dahil nagiging larawan siya ng isang taong tumutipad ng tapat sa tingkulin. Kayat ang mga susunod na magsusulat ay tutulad sa kanya. Naniniwala ang makata na kapag nawalan ng saysay at pagibig ang makata sa pagsusulat ay mawawala ang kinabukasan ng bayan dahil ang mga akda ng makata ay isang gintong pamana sa kultura at litetatura ng bayan. Kayat kahit pasara ang isipan buong puso nagsagawa ng isang akdang nagpapalala na ang tunay na makata at tapat sa tungkulin at bayan. Ang bawat letra na itinakda ng makata para sa tungkulin sa mambabasa ay hinugot sa kanyang inspirasyong may mga matang nangunusap at labing nagsasabi “magsulat ka na mahal ko

photo owned by: MJ Braña

No comments:

Post a Comment