Friday, September 15, 2017

Pusa naman e!

                Sa pag-sapit ng oras kung saan ang abusadong kapangyarihan ay pinaka-namamayagpag, bakit nga ba ang mga inosenteng kuting ang nakakalmot? Nasusugatan ang malalambot na damdamin (at kakyutan) ng mga anghel na “miyaw” lang ang kayang bigkasin sa talambuhay nila. Walang salitang kaya nilang bigkasin ang nakasasakit o nakasisira, ngunit bakit sa tuwing ang aso ay nagwawala, sila’y mainit sa kanyang mga mata?
                Biro lang. Yung asong puti na nakikikain, este nakikilamon sa aming bakod (na kaharian ng dalawang reynang pusa at dalawang prinsesang kuting) ay mabait at magalang kahit hindi siya marunong mag po at opo. Ibabahagi ko sayo ang kwento ng isang hindi inaasahang pagkakaibigan at magastos na pagpapalamon sa apat na mga baboy. Este pusa.
                Isang araw, ang aking kapatid, na hindi ko pangangalanan, ay sumilip sa aming bakuran, at doon ay natagpuan niya ang isang kuting. Tila ilang araw palang mula ng masinagan ng haring araw. Hindi maimulat ang mata at umiiyak. Hindi niya ito pinansin. Umulan. Pagkatapos ng ulan ay muling sumilip ang aking kapatid, na hindi ko pangangalanan, at dalawa na ang mga kuting! Muling umulan. Sumilip ulit ang aking kapatid, na hindi ko nga pangangalanan, kulit ah? At hindi, dalawa pa rin ang kuting. Dumedede sa kanilang ermat na ubod ng ingay kapag gutom. Kasama niya sa pag-aabang ng biyaya at pagpapakita ng kapal ng mukha ang kanyang kapatid na aking pangangalanan, si Boop. Sa kanilang apat siya lang ang aking bibigyan ng pangalan kasi siya ang pinaka-mataba. Mula noon, binigyan namin sila ng bahay at kasiguraduhan ng pagkain tatlong beses kada araw.  Nauubos ang pera ko dahil sa cat food pero ayos lang, kahit hindi.Charot! 

               


Photo Credits: Glory May Asahan (EDI PINANGALANAN KO RIN YUNG KAPATID KO WALANGYA)





-Rain Check 

No comments:

Post a Comment