Tuesday, September 26, 2017

Landas na tinatahak


Dalawang libo at labing pitong kalye na ang nalampasan ng manlalakbay...
Bawat klaye niyang nalalampasn ay dagdag sa taon na siya ay nag simulang tumayo at maglakad patungo sa kanyang mga adhikain. Hindi naging ganoon kadali ang mga nakalipas na paglalakabay. May mga pagkakataon na kailangan niyang tiisin ang mga sugat bunga ng pakiki pag tunggali niya sa mga halimaw sa daan. Kapag ang mga sugat ay sapat ng naghilom ay mapapaso naman ito ng matinding init at kung minsan mababasa ng ulan. Kalaban ang mga halang ang bituka sa daan at ang panahon ay nanadya ang manlalakbay ay matapang na nilampasan ang mahabang mga kalye. Wala rin siyang tinag kahit na ang sarili nalang ang kaagapay. Sa pagpapahinga niya ay di inaasahan ang delubyo sa pang dalawang libo at labing pitong kalye. Mas matitibay na halimaw,na nag tatagalay ng sungay at kapangyarihan mula sa kadiliman. Sinusubukan nilang harangan and daanan ng manlalakbay. Buong lakas silang sinugod ng manlalabay tangan ang espada ng kagitingan habang baon ang determinasyon.  Sa pagpapatuloy ng pakiki baka ng manlalakbay ay sumabay pa ang pagsama ng panahon na siyang nagpahirap sa sitwsyon. Ngunit dahil buo ang loob ng manlalakbay ay sabay sabay niyang napataob ang mga kalaban as gitna g delubyo. Pagkatapos ng makasaysayang digmaan ay agad siyang nilapitan ng diwata ng ulan at agad na hinilom ang kanyang mga sugat nag turan ng "mahal ko kasamamo ako sa susunod pang milenyo".
photo owned by. Google

No comments:

Post a Comment