Thursday, September 28, 2017

Pagkakaibigan

Ang ating mga kaibigan ay lagi lamang nandiyaan at iyong maaasahan
Hindi mo na sila kailangan pang tawagan kung kailangan mo ng mahihingahan
Sila ay handa kang tulungan kahit saan at kahit hindi mo na sila sabihan
Sila 'rin ay laging nakasuporta at handa kang alalayan

Sila ay handa kang samahan sa iyong mga kabaliwan
Tatawanan sa tuwing ikaw ay may nagawang katangahan
Ngunit dadamayan ka sa tuwing ikaw ay masasaktan
At ipagtatanggol sa lahat ng iyong mga kalaban

Hindi na kailangan pang marami ang ating mga kaibigan
Mas importanteng alam mong sila ay totoo at may katapatan
Hindi 'rin importante kung ano ang kanilang katangian at kung ano ang kanilang kakayahan
Ang pinaka mahalaga ay may pagmamahalan at pagpapahalaga sa inyong pagkakaibigan


(Photo url: https://goo.gl/images/Ne9K1x)


No comments:

Post a Comment