Thursday, September 14, 2017

Ang nag-iisang lalaki sa buhay ko

Malakas, matapang at maaasahan. Ganiyan kita kung ilarawan. Palagi kang nasa tabi ko kapag ikaw ay kailangan. Mahihingian ng tulong kahit saan pa 'man. Masipag,  maaruga at mapag mahal.  Ito pa ang mga katangian mo na aking minahal. Ikaw ang unang lalaking sa akin ay nagmahal ng ako ay iluwal. At kahit sa tigas ng ulo ko ay hindi mo ako kayang ibuwal. Ikaw ang aking naging sandalan tuwing ako ay nasasaktan at makakapitan sa oras na ako ay nangangailangan. Mga problema ay lagi mong binibigyan ng paraan. Lahat-lahat ay ginagawa, maiahon lang kami sa kahirapan. Kaya salamat, dahil, kahit kailan 'man ay hindi mo kami pinabayaan. Hindi ka 'rin nagkulang sa iyong mga pangangaral. Istrikto ka 'man ngunit hindi nakakasakal. Pinapaalala mo lang kung ano ang mga bawal. At ng may matutunan kaming mabubuting aral. Ikaw ay aking pinupuri dahil sa iyong katangian. Tunay nga naman na ikaw ay dapat na hangaan. Isa kang huwaran na haligi ng tahanan. Kaya Papa, salamat sa iyong kadakilaan. 


Photo link: https://goo.gl/images/NhFftt

No comments:

Post a Comment