Friday, July 14, 2017

Habambuhay na Himbing

Ako’y kantahan nang sa wakas ay makatulog
At mapunta sa mundo ng pantasya at doon ay mahulog
Ako’y kantahan nang sa wakas ay makatulog
Nais ko lamang ay makatulog nang may pusong nadudurog
Ako’y kantahan nang sa wakas ay makatulog
Upang sa kanyang katotohanan ako ay hindi na muling mahulog
Ako’y kantahan nang sa wakas ay makatulog
At matapos na ang pag-ibig na nabubuo’t nadurdurog
Ako’y kantahan nang sa wakas ay makatulog
Hanggang sa umaga ang mga tala ay mahulog
Ako’y kantahan nang sa wakas ay makatulog
At hindi na muling magising sa liwanag na nadudurog
Ako’y kantahan nang sa wakas ay makatulog
Humimbing sa kamatayan hanggang ang buhay ay mahulog
Ako’y kantahan nang sa wakas ay makatulog
Sa huling pagtibok ng aking pusong nadudurog 

-Rain Check 

No comments:

Post a Comment