Thursday, July 27, 2017

Katanungan



           Bakit ang hilig nating gumawa ng kasalan at idadahilan na tayo ay tao lang at hindi perpekto? “Pasensya na tao lang” ang hilig idahilan, indikasyon na tayo ay tao lang na normal na nakakagawa ng mga kamalian. Na hindi tayo isang Diyos na kahit anong gawin ay perpekto, na tayo ay tao lang at nakakagawa ng mga gawaing negatibo. At kapag tayo ay nakagawa ng kasalanan ay hilig nating ipasa sa iba at isisi ang nagawa. Bakit nga ba napakahilig natin mangsisi, isisi ang bagay na hindi natin gustong mangyari? Ang hilig natin ipasa ang ating mga kamalian na tayo naman talaga ang may kagagawan, ang hilig natin manisi sa taong wala namang alam. Kasalanan na ating ginawa, ipapasa sa inosententeng tao na tahimik at wala namang ginagawa. Bakit hindi na lang aminin ang kamalian at tanggapin na tayo ay nakagawa ng kasalanan? Bakit nga ba? Ang hilig nating itanggi ang ating kasalanang nagawa, wala naman tayong magagawa kung ito ay ikakaila, nakagawa na tayo nang kasalanan at hindi na maiibabalik pa ang nakaraan. Nakaraan na kung maibabalik pa ay paniguradong wala ring mangyayaring pagbabago. Makakagawa at makakagawa pa rin tayo ng kasalanan na hindi natin namamalayan. Mga kasalanan na kung tutuisin ay hindi maiiwasan, kasalanan na likas na nagagawa ng tao, kasalanan na hindi dapat isisi at kasalanan na hindi na dapat itanggi. Bakit nga ba mahilig natin gawin ang mga ito?


(Photo Credits: https://goo.gl/images/aHVvck)

No comments:

Post a Comment