Monday, July 24, 2017

Otso Bente Tres

Isang gabi sa bisig  ng iyong mahal, binura lahat ang pag papagal. Pinatunayan ang isang pag ibig na wagas kahit saan dala pagmamahal mong nag bibigay lakas.Inihanda mo ang aking puso sa mga digmaang ating haharapin. Ngunit sinigurado mong ako'y hindi maalipin. Isinigawa ang mga pangako sa lilim ng liwanag ng buwan. Ibinulong sa huni ng mga kuliglig sa halaman. At sabay na hinintay bumuhos ang ulan na nag dadala ng lamig, upang ika'y mayakap ng lubos at protektahan sa lamig na maaring mong danasin sa pag ibig mo para sa akin. Isang nakakagulat na pangyayari na ika'y gumati ng mahigpit na yumakap. Habang ibinubulong sa akin ang kawalan mo ng pagnanais sa ibang bagay bukod sa akin. Ikunuwento mo lahat ng mahahalagang kabanata sa iyong buhay.  Pang unawa ko'y sayo agad inalay. Habang pinupunasan ang iyong luhay ng walang kamalay-malay. Umakto tayong sa atin ang mundo ng bgabing iyon. Puno ng mahika ang bawat segundo, na ating pinag saluhan. Bawat delatye ay maliwang pa sa aking isipan. Nagagawa ko pang ipinta sa mga ulap ang larawan ng  iyong mukha habang ako'y ginagawa mong dantayan. Nag marka pa sa aking isipan ang mga ala-ala  ng gabing pinangalanan kong otso,bente tres. Ang petsa kung saan naramdaman ko na ang buhay ko'y kayang ialalay makita ka lamang sa ilalim ng buwan at sayo akoy na humuhini ng pag-ibig na wagas.
 Image result for lovers under the moonlight

No comments:

Post a Comment