Tuesday, July 11, 2017
Hindi Sapat Ang Ako
Sa gitna ng lakbayin mula sa isang unos nasilayan ko ang isang babae na tumatangis, halata ang sakit mula sa kanyang mga mata ngunit mababakas and katatagan. Ako agad ay na nahulog sa mga mata niyang tila nangungusap. Na tila nag sasabi maari mo akong samahan sa gitna ng pag lalakabay. Animo'y isang paanyaya na walang formal na pagdalo. Agad ko hinawakan ang kanyang kamay kasabay ng pag akay sa kanya. Wala siyang kibo ngunit mababasa mo ang pag tataka sa kanyang mata. Kayat agad kong sinabi nais ko siyang pangitiin sa gitna ng pag lalakbay. Noong una masyadong mailap ang nga ngiti ng babae ngunit malaking suwerte ng mahanap ko and kiliti niya at kami ay nag ka igihan. Ang simpleng ngiti at naging pag tawa hanggang sa naging halakhak. At nakakagulat na ang susunod at mahal niya na ko. Sa unay di ako naniwala dahil marahil paraan niya iyon ng pag papasalamat sa pag tulong ko. Ngunit nasaktan siya na di ako sumagot na siya ay iniibig ko din. Kayat sa huli ang mga labi koy di na nakapag sinungaling. Nasambit kong mahal ko na siya una pa lang. Napuno kami ng pag mamahal habang nag lalakabay. Tila sa amin ang mundo. At na sigurado ko na siya na ang kasama ko hanggang dulo. Ngnuit bigo ako. Bang biglang may narinig naming sigaw ng lalaki at tinuklas kung sino iyon. Iniwan ako ng babaeng iyon para iligtas ang lalaki na tumtangis. Ang lalaki pa lang iyon ang matagal ng iniibig ng babae. Walang paalam siya ay lumisan, iniwan akong nag iisa. Puno ng tanong kung kasinungalingan lang bang maituturing ang araw na sinabi niyang mahal niya ko. Ngnuit isa lang ang tiya. Hindi sapat ang ako, para iwan ang lalaking sumisigiw ng kanyang tulong.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment