Tuesday, July 25, 2017

Nadurog na Katha

         Lumamlam na ang dating ulan na mapusok. Kay tagal mo ng nawala tulad sa mga naglalahong usok. Mga pangakong tinangay na ng nawawasak na kahapon, waring natatabunan na sa pagtagal ng panahon. Basag na ang mga linya sa tulang hinabi, heto at naniniwala pa rin ako sa mga katagang iyong sinabi.

        Sa mundong ako'y sayo ngunit kailanman ika'y hindi magiging akin, nakakapit pa rin ako sa mga pangakong iniukit mo sa akin. Nung araw na sinabi mong babalik ka kasama ng katuparan ng iyong pangako, pinilit kong maniwala kahit na alam kong mapapako. Mag isang nakaupo at nagdarasal na sana sa pag angat ng nanghihinang ulo, sa pagdilat ng namumugtong mata, at sa muling pagbuka ng natuyong labi masisilayan ko ang hinintay kong ikaw sa aking tabi. Ngunit dumugo na ang mga sugat, pilitin ko mang gumalaw ngunit talagang kay bigat. Dumating sana kahit yung taong aako sa iyong mga napakong pangako.

Photo Url:https: //www.google.com.ph/search?q=waiting&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiL0KyZn6PVAhVHxrwKHZZUAUwQ_AUICigB&biw=1146&bih=829#imgrc=eNUlwhHSPmlzrM:

No comments:

Post a Comment