Friday, July 14, 2017

Paraiso


Halina’t pagmasdan ang napakagandang tanawin
Malamig at sariwang hangin ay ating damhin
Tila isang paraiso na hindi mo akalain
Ngayo’y namamasdan mo na, iyong mahalin

Paminsan napapabayaan at hindi napapansin
Minsan din naman ay winawasak pa ang sariling atin
Bakit ba hindi na lang ito alagaan at palaguin
Tayo din naman ang makikinabang sa magandang tanawin

Pagpapaganda sa isang paraiso ay ating sikapin
Hindi naman ito mahirap na gawain
Ang ating paraiso ay tanggapin
Sa isip at puso ay mahalin

-Hanna



(Photo Credits: https://goo.gl/images/dKsTRz)

No comments:

Post a Comment