Monday, July 10, 2017

TAYO sa mundong naglalaho

Ipinangako mo ang walang hanggan
Ngunit ikaw ngayon ay nasaan?
Wala na ba talagang katapusan?
Mga dumarating at mabilis din lumilisan

Kailangan ko ng kumpirmasyon
Na ang salitang tayo'y isa na lamang imahinasyon
Wala na sigurong solusyon
Sa naglalahong relasyon

Paalam sa mga nasayang na panahon
Ako'y kakawala na sa nilikha mong kahon
Babangon sa panibagong hamon
Iiwanan ang pait ng kahapon

Photo URL:  https://www.google.com.ph/search?q=break+up&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=0ahUKEwj-gJ_6wv7UAhVE2LwKHdCYAewQ_AUIBigB&biw=1366&bih=674#imgrc=SnjqiX2H0BEMZM:

No comments:

Post a Comment